Una sa Balita

Cignal HD ikokonekta nina Daquis, Gonzaga

0 241

Finals Game 1 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:00pm — Foton vs Petron (Battle for 3rd)
6:00pm — Cignal vs F2 Logistics (Finals)

WALANG ibang kinakapitan ang Cignal HD Spikers sa gipitan kundi sina veterans Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga.

Kaya inaasahang sina skipper Daquis at Gonzaga ang ibabangga ni head coach Edgar Barroga pagharap nila sa powerhouse F2 Logistics Cargo Movers sa best-of-three finals ng Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

Magsisimula ang banatan sa alas-sais nang gabi pagkatapos ng battle for third sa pagitan ng Foton Tornadoes at Petron Blaze Spikers na aarangkada sa alas-kuwatro.

Unang sampa ng HD Spikers sa All-Filipino finals sapul nang sumali sa liga noong 2013, tumarak sila ng malaking upset sa Philippine volleyball para makapasok sa championship round.

“This is it. We have completed our climb from fifth place to the championship,” masayang sabi ni Barroga. “We’re excited because we already addressed our lapses. Hopefully, our magical run continues.”

Binigo ng HD Spikers ang Petron, 30-28, 25-21, 17-25, 23-25, 15-8 sa semifinals, kung saan dalawang beses nila itong tinalo para lang makaharap ang Cargo Movers sa finals.

Nagtala sina Daquis at Gonzaga ng 22 at 17 points, ayon sa pagkakasunod.

Inabot din ng five sets ang panalo ng HD Spikers sa unang laro sa semis laban sa Blaze Spikers na tangan ang twice-to-beat advantage.

Inaasahang dadaan sa butas ng karayom ang Cignal dahil maraming malulupit na armas ang Cargo Movers, paniguradong ikakasa ng No. 2 seed sa preliminaries F2 Logistics sina Fil-American Kalei Mau, veterans Aby Maraño at Ara Galang kasama sina Kim Delos Santos at Majoy Baron.

(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy