Una sa Balita

CIDG official nirapido ng tandem

By
0 4

Patay ang isang mataas na opisyal ng Philippine National Police makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang ri­ding -in-tandem kahapon ng hating-gabi sa Pasig City.

Sanhi ng maraming tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay hindi na umabot ng buhay sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Chief Insp. Rommel Macatlang, 52, binata at naka­talaga Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.

Sa report ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Romulo Sapitula, alas-12:30 ng hating-gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng F. Ortigas Jr. Avenue at Meralco Avenue, Bgy. San Antonio, Pasig City.

Abante Hiring – IT dep

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rolando S. Anselmo Jr., habang sakay ng kanyang puting Mitsubishi Adventure (CRT-560) si Macatlang at nagpapagasolina sa nasabing lugar ay dumating ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklong walang plaka.

Paglapit ng mga suspect sa biktima ay sunud-sunod na pinutukan ng backrider ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago mabilis na tumakas.

Patuloy pa ring nag-iim­bestiga ang mga awtoridad sa nasabing krimen.