Una sa Balita

Chynna umamin sa ‘tikiman’ kay Alden

By
0 4,058

Pinasok na rin ni Chynna Ortaleza ang negosy­o sa itinayo nilang record label ng mister na si Kean Cipriano, ang OC Records. Dito raw niya napu-fulfill sa ngayon ang dati pang pangarap na maging isang head ng kompanya.

Kuwento ni Chynna, “‘Di ba nga, noong 18 years old ako, may nagtanong sa akin kung ano ang gusto kong ma-achieve bilang aktres. Tapos, sinabi ko very innocently noong 18 ako, sabi ko, gusto ko, ma-attain ‘yung posisyon ni Ms. Wilma Galvante.

“Noong time na ‘yun, si Ms. Wilma pa ang boss namin. Tapos, natatawa ang mga kausap ko. Parang ano raw? Pero ‘yun talaga ever since.”

Madalas daw siyang ma-interpret ng mga tao kasi matanong siya, maraming suggestion, pero ganu’n daw talaga siya dahil gusto niya talagang matuto.

Natupad din ang isa sa mga wish ni Chynna, ang magkasama silang muli ni Alden Richards sa serye bilang mag-ate. 

Mukhang nabitin ito sa da­ting pagsasama nila sa APT Lenten special na kabaligtaran sa role nila ni Alden ngayon sa ‘Victor Magtanggol’.

Dati raw kasi, fucking buddies pa sila, ngayon, mag-ate na lang sila.

Nakikita rin daw ni Chynna na may laban ang serye nila na magsisimula nang mapanood sa Lunes, July 30 pagkatapos ng 24 Oras kahit sabihin pang malakas ang katapat nila. Perfect din daw for Alden ang material para sa comeback nito.

“Well actually, when I saw the material, it speaks so much of the kind of perso­nality that he has. Kasi, when you think of Alden, it’s automatic for you to think of drama.

“Parang Alden-drama. So, it’s a challenge for him to do something which is, action, drama and comedy. All at the same time. Ako naman, natutuwa ako sa serye na binigay sa kanya.

“Number one, pampamilya talaga siya.”

Kahit daw ang anak nila ni Kean Cipriano na si Stellar, naisasama nila sa set nila minsan at doon niya nakita kung paano kumokonek sa anak niya ang mga character.

“Eh, hindi ko naman bini-build-up sa kanya. Like kapag nakikita niya ang character ni Andrea Torres, natutuwa siya. Ang tawag niya, Elsa.  Kaya sabi ko, on the right track tayo kung gusto nating gumawa ng serye na pampamilya.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy