Una sa Balita

Church leader sa mga PH bank: Pondo sa karbon ihinto!

0 282

NAGKAPIT-BISIG ang mga church leader at civil society organization upang himukin ang mga Philippine financial ins­titution na umano’y patuloy na nagpopondo sa coal industry bagama’t alam nilang labis na nakapipinsala ang ‘dirty fuel’ sa kalusugan ng mga tao, kalikasan at klima sa buong mundo.

Sa press conference, inilunsad ang Visayas-wide Church-CSO Empowerment for Environmental Sustainability (ECO-CONVERGENCE), na pinangunahan ng mga faith-based organization at environmental advocate mula sa buong Visayas island group at national organization upang hikayatin ang mga kinauukulan na solusyunan ang nara­ranasang climate at ecological crisis na narara­nasan ng bansa sa kasalukuyan.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Bishop Gerry Alminaza, Diocese ng San Carlos, kasama sina Fr. Edwin Gariguez, executive secretary ng NASSA/Caritas Philippines; Teody Navea ng Philippine Movement for Climate Justice-Cebu at Gerry Arances, executive director ng the Center for Energy, Ecology, and Development.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More