Una sa Balita

Chukyo Racecourse 

By
0 6

Nagoya, Japan – Narito na tayo sa Nagoya habang binabasa ninyo ito para um-attend ng 2016 Japan Asia Week of Racing sa imbitasyon ng Japan Ra­cing Association.

Bukas ang welcome dinner sa lahat ng delegado ng mga bansang kasama sa dalawang araw na selebrasyon na itinataguyod ng JRA, sa pamumuno ng pangulo nitong si Masayuki Goto.

Dalawa kami ni Ronald Alfeche (Vice President for Finance at IT) na ipinadala ng Metro Manila Turf Club bilang bahagi ng Philippine Trophy Race na paglalabanan sa Linggo (Hulyo 17) sa Chukyo Racecourse. Ang dalawa pang highlight races sa araw na yun ay ang Macau Jockey Club Trophy Race at ang Singapore Turf Club Trophy Race.

Highlight naman ang Thailand Cup, India Trophy, at Malaysia Cup sa mga karera ngayong Sabado (Hulyo 16).

***

Dahil sa pagsulpot ng mga magagaling at baguhang hinete, ilang mga beterano na raw ang nag-iisip na sumunod sa yapak ng mga kasamahan na nagpunta sa ibang bansa para doon humanap ng suwerte.

Kung maganda daw ang magiging offers sa kanila ay mag-iisip na silang mag-alsa balutan para sa ibang bansa na maghanap-buhay, sabi ng mga sources ng Abante.

May ilang beterano na raw kasi ngayon ang nahihirapang makakuha ng regular na pananakay dahil sa pagpasok ng mga magagaling na apprentice riders. Sa madaling panahon ay magiging regular riders na ang mga ito kaya medyo ‘threat’ na sa career ng mga beterano.

Dito lang sa Japan, marami tayong magagaling na mga hinete ang nagtatrabaho sa Hokkaido na maraming mga horse farms. Ilan dyan sina Miguel Recosana at Ernesto Ederes.

***

Bukod sa Middle East, isa itong Japan sa pinakapaboritong puntahan ng mga Pilipino – OFW o turista.

Halos kilala na kasi ng mga Pilipino at Hapon ang ugali ng isa’t isa at madali silang pakibagayan. Matindi rin ang pasok ng mga turistang Pinoy dito dahil sa pagbaba ng mga presyo ng mga tour sa iba’t ibang panig ng Japan. Halos lahat ng tourist spots ay makikitaan mo ng mga kababayan natin.

***

Ibang klase ang hilig ng mga Hapon sa karera kaya puno lagi ang karerahan tuwing araw ng karera at matindi rin ang kanilang pananaya.

Ang maganda pa rito ay mismong ang Japan Ra­cing Association ang nagpo-promote ng matindi sa kanilang industriya at binubuhusan nila ng malaking pondo ang promotion ng karera sa lahat ng media.