Una sa Balita

Chuewulim, BanKo kumatok sa bronze

0 154

LIMANG set ang kinailangan nina import Sutadta Chuewulim at BanKo Perlas Spikers upang mapatiklop ang Pacific Town Army Lady Troopers 25-27, 10-25, 27-25, 26-24, 16-14 sa Game 1 ng best-of-three battle for third place ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.

Pinamunuan nina team captain Nicole Tiamzon at Thai import Chuewulim ang Perlas Spikers na nagtala ng 18 points at 15 points, ayon sa pagkakasunod.

“We have to go through with it, ‘yung frustrations siguro nu’ng first set na hindi namin nakuha, then ‘yung second set na hindi man lang kami nakaikot, kailangan naman i-cut ‘yun and reset,” pahayag ni Tiamzon.
“Kailangan namin labanan ‘yung frustration, kapag hindi namin nilabanan kami din ‘yung maghahatakan pababa,”

Katuwang din para sa BanKo sina local Dzi Gervacio na may 13 puntos, Kathy Bersola at Sue Roces na may tig-11 points.

“Tuloy-tuloy kasi nasa amin ‘yung momentum, kung mapapansin ninyo come from behind lahat nu’ng panalo, so talagang patibayan ng loob,” dagdag ni Tiamzon.

Muling magtatapat ang dalawang panig sa Sabado para sa Game 2. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy