Una sa Balita

CHUBIBO!: Patay na isyu – ilibing!

By
0 4

Maraming dekada nang pinagaawayan ang isyu hinggil sa pagpayag o hindi pagpayag na maili­bing si dating Presidente Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ang ibang mga kasali sa debate — nagsimatayan na.

Ang marami — nagbatuhan ng mura o nag-exhange gift ng suntok.

Simple lang naman — sagutin ang tanong na ito, solb lahat: Labag ba sa batas ang hiling ng pamilyang Marcos na mailibing siya sa Libi­ngan ng mga Bayani?

Ayon sa patakaran, ang maaaring ilibing doon ay 1) Mga nakaraang pa­ngulo ng bansa, 2) Mga sundalong lumaban noong nakaraang mga digmaang pandaigdig.

Hindi naman giniit kung puwera rito ang mga pangulo o sundalo na magnanakaw o masasamang tao.

Wala namang pumiyok nang inihimlay sa Libingan ang mga kontrobersyal ng Pilipino sa ating kasaysayan tulad nila Emilio Aguinaldo, Antonio Luna o Sergio Osmeña Sr.

Emosyonal na isyu pero hindi dapat maging hadlang sa pag-asenso at pagkakaisa ng ating bansa.

Pati na rin sa kahili­ngan ng isang pamilya na bigyan na ng “pahinga” ang kanilang minamahal.

***

Pag ang isang adik ay nang-rape ng isang musmos at pinatay pagkatapos… pag ang isang pinagkatiwalaang opisyal ng gobyerno ay nagbulsa ng bilyon-bilyong salapi ng bayan… pag ang isang drug lord ay nahulihan na may factory ng shabu na kayang-kaya sirain ang buhay ng libu-libong Pilipino… isa lang ang nababagay na parusa.

Bitay.

Tama na ang debate at pag-epal.

Gawin na lang.

***

Tapos ng napakara­ming dekada, mayroon tayong pangulong seryoso at galit sa nakakabahalang paglaganap ng illegal drugs.

Ayos na sana… pero ang daming kumokontra at sadyang nagiging sagabal sa kampanya.

Katuwiran kuno ay ang maraming adik-adik na napapatay.

Pag-aalala sa paligid? O, pag-aalala na sila ay malapit nang mabuking?

***

Puwedeng ipagmalaki. Mayroon isang produktong Pilipino na umaani ng parangal at paghanga sa buong mundao — pero hindi kilala ng maraming Pilipino.

Ito ay ang Don Papa Rum. Tubong Bacolod. Patok sa Europa, Japan at iba pang bahagi ng mundo.

Nakakataba nga ng puso ang istorya ng isang kaibigan kong musikero na nag-uwi ng Don Papa sa bayan niyang Puerto Rico.

Kung hindi ninyo alam, ang Puerto Rico sy sikat dahil sa mga rum na gawa doon.

Ang nangyari sa kaibigan ko: Pinag-agawan at sinimot ng barkada ang kaisa-isang bote ng Don Papa na balak pa niyang ipatikim sa pamilya.

***

Huling hirit. Binaha ako ng mga tanong tungkol sa Chinita Fresh Lumpia na binanggit ko kamakailan. ‘Yung mabawang na fresh lumpia na sing-sarap sa nakasanayang gawang-Quiapo. Derecho ninyo na lang tanungin ang mga gumagawa sa 0977-723-4315.