Una sa Balita

CHUBIBO!: Madapaka, Digong!

By
0 118

Nakapagtataka kung bakit ang maiingay na maka-dilaw ay galit sa bago nating pangulo ­gayunmang nagpapakita­ siya ng gilas at bagong sigla sa loob lamang ng higit na tatlong buwan ng panunungkulan.

Hinihintay ng mga negastars na madapa at mauntog siya at pumalpak nang husto.

Ang bawat talumpati ni President Digong ay hinahalungkat, binubusisi at ang bawat salitang binibigkas ay binibigyan ng bago’t hindi kanais-nais na kahulugan.

Halimbawa: nang sinabihan niya ang Indonesian President na hindi siya makikialam sa mga batas ng Indonesia, sini­gaw agad ng mga dilaw na peryodista na binigyan na ni Duterte ng basbas ang pagbitay kay Mary Jane Veloso – ang Pilipinang nahulihang may puslit na droga sa Indonesia.

Nang pinayuhan siya ng isang opisyales ng Amerika na ayus-ayusin ang pananalita at ‘wag tawaging bading ang ambassador nila sa Pilipinas,­ pinaalala niya sa mga kano na ang Pilipinas ay hindi na nila pag-aari.

Hirit agad ng ilang bayarang media na pumapanig na si Duterte sa mga Komyunista.

Mabuti na lang at patu­loy na dumadami at sumisigla ang sumusuporta sa bagong pangulo.­ Hayaan naman nating maka-buwelo siya nang kaunti bago nating murahin at sigawan ng…

MADAPAKA!

***

Related Posts

Saang planeta kaya nanggaling ang ninuno ng mga Hapon at ibang klase ang kanilang disiplina at pagbibigay-halaga sa kapwa?

Napansin naming ito kamakailan, tapos ng maiksing biyahe sa Tokyo.

Sa isang konsyerto,­ tahimik lahat at ni isa ay hindi pumapalakpak hanggang tapos na tapos na ang tugtugin.

Bukod dito, walang sumisipol o ­humihiyaw ‘pag nanggigigil sa naririnig.

Nang may break para umihi, matiyaga na pu­mila ang mga Hapon sa urinals. May mga bakanteng cubicles pero ito ay hindi nila ginagamit at (malamang sa kanilang kultura) nakalaan sa mga mas nangangailangang ‘magkulong’.

At sa bawat ­serbisyo, hindi umaasa o nagpapa­ramdam ang bawat Hapon na maabutan ng ‘tip’.

Nakakalungkot mang aminin ngunit napakalayo ng pagkatao natin sa kanila.

***

Huling hirit: May mga kababayan tayong mga American citizen na ngunit mukhang walang magawa at nanggigigil­ na magkagulo tayo sa Pilipinas. Mayroon silang mga samahan na may kinalaman kuno sa ‘good governance’ pero ang tunay na pakay ay para ‘pausuhin’ ulit ang gasgas na gasgas na People Power. Nagtatanim ng intriga… sinusulsulan ang mga opisyales ng Amerika. Puwede ba… wag na n’yo kami pakialaman? Tambay na lang kayo d’yan sa Walmart o Target. Kaya na naming timplahin at ayusin ang situwasyon sa ‘Pinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy