Una sa Balita

CHUBIBO: Abu Sayyaf — Dinuduro si DU30?

By
0 174

Marami sa ating mga kababa­yan ang nalungkot at nagalit sa ba­li­tang may pinugutan na naman ang bandidong grupong Abu Sayyaf.

Ang napugutan ay si Robert Hall, isang Canadian citizen na kinidnap ng mga bandido kasama ang tatlo pang bihag mula sa Canada, Norway at isang Pilipina.

Unang pinatay sa grupo noong Abril si John Ridsdel, isa ring Canadian, nang mabigong makuha ng mga bandido ang hinihinging P300M ransom.

Tinaas na sa P600 million ang ransom na ginigiit ng Abu Sayaff para sa mga nabihag.

Kamakailan, nakausap ni President-elect Rodrigo Duterte si Canadian Prime Minister Justin Trudeau. Humingi siya ng paumanhin sa nangyari kay Ridsdel at nangakong wala na mu­ling mamamatay na Canadian sa kamay ng anumang bandido.
Pero ang pangako ay napako nang pugutan si Robert Hall.

***

Hula who. Magandang ehemplo ang pinapakita ng isang nanalo noong nakaraang halalan: tinanggihan niya ang isang magarbong tanggapan pagkat may kataasan ang buwanang upa rito.

Imbes na engrande, mas pumabor siya sa simpleng opisina sa Quezon City na mukhang mas malapit sa kanyang puso. Kaya lang, binibigyan ng malisya ang kanyang desisyon pero sa takdang panahon ay malalaman natin kung may katotohanan ang mga umuugong na tsismis na may napupusuan siya sa lungsod na ito.

***

50 ang patay at 53 ang sugatan nang pumasok si Omar Mateen, isang Afghan-American, sa isang gay night club sa Orlando, Florida. Nilabas ang sandatang pandigmaan at pinagbababaril ang mga nagsasalsang parokyano ng club. Gamit niya ay isang AR15 – isang bigating assault rifle na gamit sa seryosong ratratan.

Tapos ng tinuring na pinakamadugong massacre sa America, sobrang lumakas ang benta ng AR15 na nagkakahalaga nang halos $800.

Nagbilihan ang maraming Amerikano dahil natatakot sa napapadalas na karahasan.

Pangalawang dahilan ay pagkat nangangamba silang maghihigpit na ang gobyerno sa proseso ng pagbili ng baril.

Galak na galak ang may-ari ng isang gun shop sa Florida. Kung dati’y nakakabenta sila ng isang AR15 kada araw – ngayo’y nakakabenta sila ng 10 assault rifles kada isang oras.

***

Huling hirit. Sobrang haba ng pila sa mga metered taxi sa airport natin kaya agad kang lalapitan ng mga may car service “desks” sa labas ng terminal.

Garapal na pepresyuhan ka ng P1500 para tumungo sa EDSA Shangri-La, samantalang aabutin lang ito ng P350 sa ordinaryong metered taxi.

Bakit ba hindi hinahayaang magsakay ng pasahero ang Uber sa airport para ang pagod na biyahero ay komportable, ligtas – at hindi pinagsasamantalahan?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy