Una sa Balita

Chua team captain ng 13-Under Elite

0 570

Maglalaro ang 13-Under Elite sa Australia sa darating na Mayo kung saan maipapakita natin ang galing ng mga batang Pinoy sa international na laban.

Makikita ang puso kahit malalaki ay ‘di uuru­ngan ng kabataang Pinoy.

Isa si Irus Chua sa ating inaasahan na magbibigay sigla at liderato sa koponan.

Hinirang siyang captain ball sa Team 13-Under Elite.

Nakitaan ko siya ng dedikasyon sa paglalaro ng basketball, nakita ko ang galing ng bata noong siya ay naglalaro sa Xavier School kung saan angat siya sa kanyang edad.

Isa siyang all-around player na kaya maglaro ng lahat ng posisyon, uno hanggang singko.

Dahil din sa kanyang laki at sa kanyang edad, puwede siya maging singko at dahil sa bagsik niya tumira sa labas ay puwede din siya maglaro sa labas.

Ganun din ang kanyang kapatid na napakatangkad sa kanyang edad, ang kanilang galing at laki ay nakuha nila sa kanilang lolo sa kanyang mother side sa mga Navarro kung saan naglaro rin noong kabataan.

Kakampi niya ang aking dating coach sa UE seniors UAAP team na dati ring legend sa basketball na si Johnny Revilla.

Ang kanyang ama ay grabe rin ang kamay sa labas at naglalaro din.

***

Natapos na ang elimination round ng Breakdown Basketball 17-U, walang talo ang AMA University Kings.

Sila ang numero uno sa team standing dahil sa sipag at tiyaga ng mga manlalaro ng AMA.

Ipinakita nila na kahit sila ay maliit ay tinalo nila ang mga naglalakihang manlalaro ng ibang eskuwelahan.

***

Maligayang kaarawan kay 13-Under Elite team captain Irus Chua at sa aking kapatid na si Peter Herrera, kanyang anak na si Juanna na nakatira sa Amerika.

Binabati ko rin ang mga manlalaro na napili sa 13-Under kabilang sina Champ Arejola, Timothy John B. Delos Santos, Kashmir Tongco, Jahreb Garcia, Lorenzo Manuel M. Tabuñar, Renzo Markus S. Sandigan, Elijah Miguel M. Cabiluna, Juancho Carlitos C. Albero, Irus Navarro Chua, Mari Michal Justus Ymasa, Gabriel Luis R. Aceveda, Chadrick Keane F. Timbol,
Ralph Joachim R. Gregorio, Dominic Joaquin R. Arejola, Raymond Allen Te, Emer Gabriel C. Vales, Lebron Jake C. Manding, Daniel Sebastian A. Sta. Maria at Kevin Miguel R Gonzales.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More