Una sa Balita

Chua pinalit kay Japeth sa Gilas

0 375

PASOK si Justin Chua sa pool ng Gilas Pilipinas­ para sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Kinumpirma ni Gilas team manager Gabby Cui ang impormasyon nitong Lunes.

Ipinalit si Chua sa slot na binakante ni Japeth­ Aguilar, nag-beg off muna sa duty sa national team dahil nasa honeymoon pa.

“Yes he’s part of the pool now as a replacement for Japeth,” ani Cui.

Linggo nagpakita ang Phoenix Pulse center sa praktis ng Gilas na hahawakan ni interim coach Mark Dickel.

Bukod kay Aguilar, nawala rin sina Christian Standhardinger at Mac Belo sa parehong dahilan – knee injury.

Dagdag si 6-foot-6 Chua sa frontline ng pool na pinapangunahan nina Isaac Go, Justine Baltazar at veterans Troy Rosario, Poy Erram at Marc Pingris.

Sa first window ng Asian Cup qualifiers, iho-host ng Pilipinas ang Thailand sa Feb. 20, makalipas ang tatlong araw ay dadayuhin ang Indonesia sa Jakarta. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More