Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Christmas tree sinilaban, kelot dinamba

0 140

Dinakip ang isang lalaki matapos niya umanong sunugin ang isang higanteng Christmas tree sa Manhattan sa New York, Amerika.

Ayon sa New York police, nakita umano nilang umaakyat ang 49-anyos na suspek sa istrukturang sumusuporta sa 15-metrong puno.

Sinindihan umano ng suspek ang dekorasyon gamit ang isang lighter na bitbit niya.

Inaalam pa ng mga bumbero kung gumamit ito ng propellant para mabilis mapalaki ang apoy.

Sa kabutihang palad ay wala namang namatay o nasaktan sa nasabing insidente.

Iniimbestigahan naman ng mga pulisya kung ano ang motibo ng suspek sa pagsusunog sa nasabing holiday decoration. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.