Una sa Balita

Christmas party iniiwasan ng senador

0 221

INIIWASAN daw ng isang miyembro ng ­Upper House na maghanda para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban, hindi na raw naghanda ng Christmas party ang senador sa Disyembre upang makatipid sa gastos.

Kilalang kuripot ang mambabatas kaya’t tinodo na nito ang pagtitipid sa hindi pag­lalabas ng pera para sa party.

Kahit aabot lang sa P100,000 ang maaaring gastusin nito bilang ambag sa kanyang grupo, itatago na lang daw ang pondo kaysa magpasaya sa mga tao sa Senado.

Maaaring gamitin na lang daw ng senador ang pera pagpasok ng taong 2019 bilang karagdagang panggastos sa pagpapagawa ng bagong opisina.

Pintahan n’yo na: Ang ­senador na umiwas sa paggastos nga­yong Kapaskuhan ay hindi mahilig sa maka­bagong teknolohiya. May letrang ‘O’ sa kanyang pa­ngalan as in Oppo.