Una sa Balita

Christmas party gawing simple, makahulugan – DepEd

By
0 499

PINALALAHANAN ng DepEd ang lahat ng guro sa Kidapawan City na ga­wing simple, makabuluhan at hindi magarbo ang gagawing Christmas party ng mga mag-aaral.

Ayon kay Kidapawan City Schools Division Supt. Romelito Flores, hindi kaila­ngang ma­ging magarbo ang selebrasyon, magagawa ito sa simpleng paraan na hindi na kailangang gumastos pa ang mga guro at mag-aaral.

Kaya naman pinaalalahanan ni Flores ang lahat ng public school teacher­s sa elementary at secon­dary levels na sundin ang direktiba ng DepEd.

Sinabi pa nito na bolun­taryo at hindi compulsory para sa mga mag-aral na magdala ng pagkain kung may sobra naman ang mga magulang o mula sa pondo ng klase.

Ipinagbabawal din ang panghihingi o soli­citation at may karam­patang parusa ang sinumang guro na luma­bag sa DepEd memorandum.

Base sa memorandum mula sa DepEd Regional Office 12, maaari namang magsagawa ng Christmas party kapag nakagawa ang mga guro, magulang at estudyante ng community service na nakatakdang gawin sa Disyembre 21.

Magsisimula ang Christmas break sa Disyembre 21 at magbabalik ang klase sa Enero 2, 2019.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy