Una sa Balita

Christmas display sa Araneta, inisketch ng mga artist

0 255

Geraldine Monzon

RAMDAM na ramdam na nga ang kapaskuhan saan mang panig ng Pilipinas ngayon. Kaliwa’t kanan na ang makikitang Christmas display. Ang bawat lugar ay tila nakikipagpaligsahan sa pagandahan ng mga disenyong sumasagisag sa nalalapit kapaskuhan. Naglalakihang mga Christmas tree na may magagandang disenyo ang ­ipinagmamalaki ng bawat bayan. At ang magagandang ­disenyong ito ay hindi nakalampas sa mata ng mga artist kaya naman ­hindi na nila napigilan ang kanilang mga kamay na iguhit ang magandang tanawin sa Araneta City.

Kahapon nga ay muling nagkaisa ang grupo ng Urban Sketchers ­Kyusi upang iguhit ang ­nakabibighaning Christmas display ng Araneta City. Mula 9:00am hanggang 11:30 (Nob.17) sa Time Square Food Park ay inilaan ng mga artist ang ­kanilang oras sa pagguhit sa pangunguna nina Ektad Duenas, Neil Cu Belen at ­Nadja Ginete. Ito ay upang maipakita at maibahagi sa ­lahat sa pamamagitan ng art ang diwa ng kapaskuhan,ang araw ng ­kapanganakan ni Hesukristo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy