Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Christine nilibing na, palaisipan pa pagkamatay

0 93

Dinala na sa huling hantungan ang mga labi ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera sa kanyang hometown sa General Santos City, kahapon ng umaga.

Higit isang linggo matapos ang pagkamatay ng dalaga, wala pa ring malinaw na natutukoy na tunay na ikinamatay ng 23-anyos na dalaga matapos itong matagpuang walang malay sa bathtub ng inupahang kuwarto sa City Garden Grand Hotel sa Makati City ng noong Enero 1.

Base sa inisyal na ulat ng medico legal, ang ikinamatay ng bitkima ay raptured aortic aneurysm subalit nanidigan naman ang kapulisan na isang kaso ng rape-slay ang nangyari kay Dacera.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinag-utos naman ng Makati City Prosecutors Office ang pansamantalang pagpapalaya sa tatlong respondent dahil sa kulang ang isinumiteng ebidensya ng pulisya para tumayo ang kasong rape slay na isinampa laban sa mga ito.

Samantala, pinayuhan ng pulisya ang ibang nakasama ni Dacera sa party na umupa sa kabilang room hotel na magtungo sa himpilan ng pulisya upang magbigay ng kanilang salaysay hinggil sa pagkamatay ng dalaga.

“Continuous pa rin po ang ginagawa natin. Kaya kung sinuman po sila (umuupa sa kabilang kuwarto) magtungo lang po sila sa malapit na police station. Kung meron silang kinalaman, pumunta lang po sila satin,” pahayag ni Police Lt. Col. Jenny Tecson, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Samantala, nagsampa na ng kaso ang mga magulang ni Christine laban sa medico legal officer ng Southern Police District (SPD) na si Police Mjor Michael Nick Sarmiento dahil sa pag-utos nitong iembalsamo ang katawan ng dalaga nang wala pang pahintulot ng pamilya. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.