Una sa Balita

Christian, Mark nagkailangan sa Agusan del Norte

By
0 2,942

During our Teachers’ Tribute sa Agusan del Norte last Saturday, napansin namin ang hindi masyadong pag-uusap nina Mark Bautista at Christian Bautista.

After kasi nilang magbatian at magkumustahan ng konti, tila merong ‘wall’ sa pagitan nila lalo na kapag magkakasama kami sa iisang grupo o lugar.

But don’t get us wrong ha. Masyado lang siguro kaming observant lalo pa’t naging close din naman sa amin ang dalawang magaling na singers na ito.

Mas madalas pa naming makitang mag-chikahan sina Jona at Mark, o si Mark kina Ate Gay at Regina o di nga kaya sa amin hahaha!

Pero kapag si Christian naman ang bumabangka sa kuwentuhan ng grupo, positive naman ang reaksyon ni Mark sa isang sulok. In fact, super ngiti at masayang-masaya ang reaksyon nito nang iba­lita ni Christian sa grupo na magkakaroon siya ng dalawang kasal this December.

Medyo naramdaman lang talaga namin na parang may konting ‘awkward moment’ sa dalawang magkaibigan at dating magka-grupo noon.

Mark dinadaga sa concert with Sarah

Speaking of awkward, yun naman ang hindi namin nakita kina Gabby Concepcion at Mark. Sa airport pa lang ng Butuan City ay super chika na sila maging hanggang sa pagkain namin at hanggang sa venue ng event.

Magiliw si Gabby sa lahat at everytime na magtatanong siya kay Mark tungkol sa mga old fave songs, mabilis naman ang sagot nito.

Kasama kasi ni Gabby ang kaibigan niyang si Jong Cuenco, ang kilalang ‘flutist’ na naging aktor din. Ito ang nag-accompany sa kanyang mga song numbers.

Excited na naibalita ni Mark ang muling pagkikita at pagsasama nila ni Sarah Geronimo sa nalalapit nitong concert.

“Nakaka-nerbyos nga eh,” sey pa nito na parang baguhan ang peg though sa ginawa niyang number during the event, mas gumanda, tumaas at naging buong-buo ang boses nito.

Xian nagpagawa ng kanta kay Marion

Nakakabilib din naman itong si Xian Lim, isa pa rin sa mga guest ni Sarah sa kanyang anniversary concert. Very focus at dedicated ito sa kanyang gagawing album. Kinarir nga nito ang pakikipag-usap nang personal at pagpapakilala ng sarili sa anak-anakan naming si Marion Aunor na napili niyang gumawa ng ilang kanta for him.

Para din palang workshop ang naturang proseso at ganun kaimportante sa singer-aktor ang ganung sistema.

Sa mga kuwento nga ni Xian tungkol sa kanya, sa mga gusto at ayaw niya, makakagawa ng kanta si Marion for him under Viva Records label.

Magkapatid na kasi sila sa naturang recording outfit nina Boss Vic del Rosario at Veronique del Rosario-Corpus.

May mga title at konsepto nang nabanggit si Marion ng mga kantang babagay kay Xian, pero siyempre hindi namin ito ipe-preempt hahaha!