Una sa Balita

Christian, Kat super bongga ang kasal sa Indonesia

By
0 834
 
Larawan ng super saya, at kuntentong lalake si Christian Bautista sa la­test photo niya sa Instagram. Eh kasi naman, sino ba ang hindi magi­ging masaya kung finally ay makakasama mo na habambuhay ang isang babaeng matagal mo na ngang inaasam na maging misis.
 
Yes, kinasal na nga si Christian kay Kat Ramnani sa Bali, Indonesia (Tirtha Uluwatu).
 
At kahit sinong lalake, aabot ang ngiti hanggang tenga, dahil na rin sa pagkaganda-gandang babae naman kasi ni Kat, ha!
 
“Now its official ‘I love you always @katramnani – Bautista ‘#letsgetreadytorambau,” sabi ni Chritian.
 
At siyempre, umulan ng papuri sa Instagram ni Christian na pinangunahan nga ng mga malalapit sa puso niya.
 
“Beautiful and handsome!!! Congratulations and best wishes mga iinaanak. God bless you both,” sabi ni Ogie Alcasid.
 
“Congrats to the both of you. Stay happy and in love,” sabi ni Julie Ann San Jose.
 
“Congratulations,” hirit ni Marian Rivera.
 
“Congratulations buddy,” bati ni Rocco Nacino.
 
Well, mula sa Abante, hiling namin na mapuno ng saya ang inyong pagsasama. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More