Una sa Balita

Christian at Kat ikakasal sa Indonesia at Pilipinas

By
0 3,550

Small at parang ‘secret’ lang pala ‘yung nalalapit na wedding ni Christian Bautista sa fiancé niyang si Kat Ramnani. Nang makita ko nga si Christian sa event ni Dra. Vicki Belo sa Fashion Hall ng Megamall noong isang araw ay sinabi ko sa kanya na may nagkuwento sa akin ng tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Kat sa Bali, Indonesia.

Parang hindi naman nagulat si Christian na may nakakaalam na sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Kat sa Bali, kaya sinabi niyang, “Meron din naman dito sa Manila.”

So, dalawang beses magpapakasal sina Christian at Kat?

Well…

Angeline ayaw humiwalay kay Regine

Si Manay Lolit Solis lang talaga ang invited sa Belo event na ‘yon, pero pinilit niyang samahan ko siya roon, na hindi ko naman pinanghinayangan dahil star-studded ang nasabing event, huh!

Unang nakita namin ni Manay Lolit si Regine Velasquez-Alcasid na katabi ang sister cum manager niyang si Cacai Velasquez-Mitra at si Angeline Quinto.

Aba, ang Angeline, obvious na obvious na matindi pa rin ang paghanga sa kanyang idolo dahil halos hindi humihiwalay sa Asia’s Songbird.

Aminado naman si Angeline sa sobrang pagiging Regine die-hard niya, kaya kahit sikat na rin siya, lumalabas pa rin ang pagiging fan niya kapag nakakasama sa mga ganoong event ang misis ni Ogie Alcasid, huh!

Hinintay nga lang pala ni Regine na dumating sa event sina Dra. Vicki at Cristalle Belo-Pitt at nagpaalam na dahil may meeting pa raw silang pupuntahan ni Cacai.

Nang makaalis si Regine, lumapit naman si Angeline kay Manay Lolit para magpa-selfie. Die-hard fan din kaya ni Manay Lolit si Angeline? Hahaha!

Cristalle Belo-Pitt todo gym kahit buntis

Maya-maya lang, isa-isa nang nagbabatian sa amin ni Manay Lolit ang mga celebrity na nandoroon. Lumapit si Cristalle na 5 ½ months na pala ang ipinagbubuntis.

Dialogue ni Manay Lolit sa anak ni Dra. Vicki, “Parang hindi ka naman buntis sa hitsura mo kesehodang 5 ½ months na pala ‘yan, ‘noh?!”

Ang nakakaloka pa nga, nagpalit pa ng sapatos si Cristalle at ‘yung flat shoes niya, pinalitan ng mga three to four inches heels yata, kaya ang dialogue ko naman ay hindi ba siya nahihirapan sa ganoon?

“Hindi. Kayang-kaya pang mag-heels. Actua­lly, nagdyi-gym pa nga ako!” sey ni Cristalle.

Actually, sa ngayon naman, kahit buntis, puwedeng mag-gym, hinay-hinay nga lang!

Scarlet Snow no show sa event ni Vicki Belo

Siyempre sa kaiikot namin ni Manay Lolit, nakasalubong na naman namin si Cristalle na nagkuwentong may sakit ang cute sister niyang si Scarlet Snow Belo, kaya silang dalawa lang daw ng mommy niya ang nandoon.

Sabi ni Cristalle, noong Monday pa raw masama ang pakiramdam ni Scarlet, kaya hindi na nakapunta sa event na ‘yon ang bata. Si Dr. Hayden Kho naman ang nagbantay kay Scarlet.

Komento nga pala ni Manay Lolit kay Cristalle, “Alam mo, magkamukha kayo ni Scarlet!”

“Oo nga, actually, kamukha ko nga siya,” sagot naman ni Cristalle.

Claudine paseksi nang paseksi

Nasa Belo event na pinuntahan namin ni Manay Lolit Solis si Claudine Barretto na in fairness ay medyo lumiliit na. Si Claudine rin ang lumapit sa amin ni Manay Lolit para bumati.

Mukhang sa hitsura ni Claudine ay happy naman siya ngayon kahit pa nga hindi matigil-tigil ang mga issue sa kanila ng estranged husband niyang si Raymart Santiago, huh!

Hindi ko na lang siya inusisa sa away na naman nila ni Raymart ngayon.