Una sa Balita

Chris Tiu naglagablab, RoS sinakluban ang NLEX

By
0 241

NASILAT ng all-Filipino Rain or Shine ang NLEX 107-101 sa Smart Araneta Coliseum Sabado ng gabi.

Tinapos ng Elasto Painters ang kampanya sa PBA Governors Cup sa 3-8 win-loss card.

Nalaglag sa 5-6 ang Road Warriors, para malaman ang kapalaran sa quarterfinals ay hihintayin ang resulta ng mga laro ng parehong 4-6 na Meralco at TNT KaTropa.

Toka ng Bolts ang San Miguel Beer sa second game kagabi, asignatura ng Texters ang Ginebra sa main game sa pagtatapos ng eliminations mamaya.

Noong isang linggo ay umuwi na ng US ang import ng RoS na si Terrence Watson matapos manganak­ ang asawa. Hindi na kumuha ng ibang reinforcement ang Rain or Shine sa huling salang.

Nagliyab muli ang mga kamay ni Chris Tiu, sa pangatlong sunod na laro ay naglista ng bagong career-high sa kinamadang 30 points sa likod ng 9 for 22 shooting para sa Painters. Mula 3-point range ay 3 for 14 lang siya pero 9 of 11 sa free throws.

Humugot pa si coach Caloy Garcia ng 13 points kay Jewel Ponferrada, tig-12 markers mula kina Dexter Maiquez at Norberto Torres na nagbaba pa ng 13 rebounds.

Naiwan ang Painters 48-32 sa second quarter, pero bumalik, inagaw ang trangko 82-74 pagkatapos ng third quarter at umagwat pa hanggang 101-81 sa layup ni Rey Nambatac 5:43 sa laro.

Kinapos ang 29 points, 12 rebounds at 7 assists ni Aaron Fuller sa NLEX.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy