Una sa Balita

CHR, Senado, PNP, PSA labu-labo sa war on drugs

By ,
0 172

Iginiit kahapon ng Commission on Human Rights (CHR) na dapat maglabas ng konkretong ebidensya ang Philippine National Police (PNP) bilang patunay sa mga pahayag nito na lahat ng 3,800 katao na napaslang sa war on drugs ay pa­wang mga drug suspects na nanlaban umano sa mga operasyon.

Ang hamon ng CHR sa PNP ay kasunod ng sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa panayam sa kanya ng international tv news broadcaster na Al Jazeera na lahat ng mga napaslang sa giyera kontra iligal na droga ay pawang mga kriminal na drug dealers.

Ayon kay CHR Commissioner Gwen Pimen­tel-Gana, hindi malinaw sa kanya kung saan nakuha ng Kalihim ang figures na ito at ang paniniwala na lahat ng mga ito ay pawang sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Samantala, binatikos naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa kabiguan nitong maglabas ng tamang datos tungkol sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.

Ginawa ng Senador ang pahayag kasunod ng kalituhan sa magulong statistics sa anti-drug campaign na nagresulta sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Benjamin Reyes matapos nitong ihayag na 1.8 milyon ang drug dependents sa bansa, mas mababa sa 4.7 milyon na binanggit ng Pangulo at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy