Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

CHR abangers sa imbestigasyon ng ICC

0 63

Nakaantabay lamang ang Commission on Human Rights (CHR) sa sisimulang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa madugong anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.

Ayon ito kay CHR chairman Chito Gascon sa pagdepensa nito sa Kamara kaugnay sa 2022 proposed budget ng ahensiya.

Sinabi ni Gascon, nakaantabay lamang umano ang ahensiya kung anuman ang magiging pagkilos ng ICC partikular kung makikipag-ugnayan ito sa kanila ukol sa isasagawang imbestigasyon.

Paliwanag ni Gascon, anumang imbestigasyon na gagawin ng ICC ay sarili nilang operasyon at wala umanong anumang direktang kaugnayan o papel dito ang ahensiya. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.