Una sa Balita

Chot nganga sa Australia Team B

By
0 2,354

Laro sa Linggo:
(MOA Arena)
7:30 pm – Gilas Pilipinas vs Japan

NALAGOT ang magkasunod na ragasa ng Gilas Pilipinas, nabigong talunin ang power house Australia Boomers, 68-84, sa FIBA World Asia Qualifiers sa Melbourne Margaret Court Arena, Australia.

Pinangunahan ng 6-foot-6 na si Cameron Richard Gliddon na may 16 points, at 4/6 sa three point line para makuha ng Australia ang kanilang pangatlong panalo at wala pang talo sa torneo.

Sa umpisa ay nakakasabay pa ang Gilas ngunit dahil sa lalim ng bench players ng Boomers, pagdating ng second half ay unti-unti nang kumawala ito at lumaki ang kalamangan hanggang 21 points.

Pinakita ng Australia ang paglalaro ng pang-10th na bansa sa buong mundo dagdag pa dito ang kanilang home court advantage.

Dahil sa freethrow, lalong lumaki ang lamang ng Australia na may 25/32 habang ang Pilipinas ay mayroon lamang 7 sa 19 na itinira. Kinatutungo madalas ni national coach Chot Reyes ang bawat sablay ng kanyang mga alipores.

Nalimitahan ang naturalized player ng Pilipinas na si Andray Blatche na mayroon lamang eight points kaya naman si June Mar Fajardo ang nagpakitang-gilas at tumapos na may 15 points.

Ang Gilas ay mayroon nang isang talo at dalawang panalo at sunod nilang kakalabanin ang Japan sa Linggo sa MOA Arena.

Ang pumalit kina Jayson Castro at Jio Jalalon na sina Kiefer Ravena at Kevin Alas ay gumawa ng tig-anim na puntos lamang.

Ang scores:

Australia Boo­mers 84 — Gliddon 16, Brandt 13, Creek 12, Lisch 12, Kay 7, Hodgson 6, Kickert 5, Norton 4, Wagstaff 4, Cadee 2, Sobey 2, McCarron 1.

Gilas Pilipinas 68 — Fajardo 15, Wright 9, Blatche 8, Pogoy 8, Norwood 7, Ravena 6, Alas 6, Abueva 5, Aguilar 2, Tratter 2, Cruz 0, Malicsi 0.

Quarters: 19-19, 37-32, 63-49, 84-68.(Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy