Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Chot bulaga sa palaka

0 384

HABANG nagko-concentrate sa pagyoyoga si dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, may kakaibang bumulaga sa kanya.

Makikita kasi sa Instagram post ni 56-anyos tactician Reyes na sa gitna ng meditation nila ng dalawang anak na babae ay may biglang sumulpot na palaka.

“An unexpected visitor dropped in on our #savasanah while doing our #activerecovery yoga this morning,” caption ni Chot sa nasabing video post.

‘Di man aktibo sa pagmamando ng koponan at national team si Chot ay hindi naman nawawala sa kanyang sistema ang pagkakaroon ng body fit dahil patuloy itong nagho-home workout kasama ang pamilya.

Bukod sa pagiging dating PBA coach ay hinawakan din dati ni Chot ang bansang ‘Pinas noong 2013 FIBA Asia Cup matapos mag-runner up kontra Chinese Taipei at long-time rival South Korea. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.