Una sa Balita

Chot, anak babalik sa TNT

0 785

BALIK sa TNT KaTropa si dating Gilas coach Chot Reyes bilang ‘advisor’ ng team, ayon sa ilang sources.

Pati ang anak ni Reyes na si Josh, isinahog sa coaching staff ng TNT.
Dating head tactician ng Batang Gilas si Josh at ayudante ng ama sa national team.

Pagkatapos ng nakaraang season ay binalasa ng KaTropa ang coaching staff, idinagdag sina Sandy Arespacochaga at Yuri Escueta, kasama si Alton Lister, bilang deputies.

Pagpasok ng 2019 season ay si Gabby Cui na rin ang team manager ng KaTropa.
Hindi lang matumbok pa kung ano ang magi­ging papel ni Reyes sa likod nina head coach Bong Ravena at consultant Mark Dickel sa flagship franchise ng MVP group.

Naka-walong titulo sa PBA si coach Chot bago nag-full time bilang head coach ng Gilas Pilipinas pitong taon na ang nakakaraan.

Siya ang arkitekto sa apat na kampeonato ng TNT, huli sa PBA Philippine Cup noong 2012. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy