Una sa Balita

Choreographer ni Bruno Mars purong Pinoy

0 279

Pagdating sa pagpapasiklab sa dance floor, isa sa mga tiniti­ngala sa henerasyon ngayon ay ang Fil-Am international singer na si Bruno Mars. Pero kilala kaya ng mga Pinoy ang tao sa likod ng ‘smooth moves’ ni Bruno?

Isa ring Fil-Am ang creative or choreographer ni Bruno Mars na walang iba kundi si Felipe “Phil” Tayag mula California. Isa nga si Phil sa mga special guest sa “ASAP” noong nag-perform sila sa entablado ng Bay Arena nitong nakaraang Linggo.

Dito ipinakita ng creative dancer ang pinanggalingan ng mga kakaiba at umaapoy na dance moves ng Filipino pride na si Bruno Mars.

Kasama nitong sumayaw sa entablado sina Iñigo Pascual, Billy Crawford at Darren Espanto.

Kuwento ni Tayag, parehas Pilipino ang kanyang mga magulang. Pumunta ang magulang niya sa US noong 70s pa, at doon na nga siya pinanganak.

Taga-Las Piñas ang kanyang ama, habang taga-Alabang naman ang kanyang ina. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy