Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Chopsticks kayang tukuyin unhealthy na pagkain naimbento

0 77

Tila libangan na ng karamihan sa atin ang pagkain. Sabi nga nila, minsan lang tayo mabubuhay sa mundo kaya i-enjoy na ang gusto nating kainin. Tikman ang mga bagong putahe o dumiskubre ng kakaibang lasa.

Pero syempre, may limitasyon ang lahat. Hindi porket pwede ka kumain ng gusto mo eh makakabuti ito sa’yo. Ang mainam na solusyon ay ang moderasyon at pagpili ng kakainin o kaya ay sa tulong ng teknolohiya.

Iyan ang pangunahing layunin ng bagong produkto ng kompanya ni Baidu CEO Robin Li na kilala sa tawag na “smart chopsticks” o “Kuaisou”. Ang produktong ito ay kayang ma-detect ang mga mantika sa pagkain at ang unsanitary level ng contamination nito.

Dagdag pa rito, may kakayahan din itong masukat ang pH level, temperatura at ang calories ng pagkain.

Ayon sa inilabas na bidyo ng kompanya, ang paggamit ng smart chopsticks na ito ay nakakonekta sa smartphone app.

Sa isang eksperimento na ginawa nila, sinubukan ilublob ang chopsticks sa olive oil at agarang lumabas ang “good” sa screen ng telepono. Pero, nang ilagay naman ito sa gamit na mantika, “bad” ang salitang lumabas. (Moises Caleon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.