Una sa Balita

Chokoleit nagparamdam sa Twitter

0 1,181

Nagparamdam ba si Chokoleit sa Twitter? Big­lang-bigla kasi, nagulat ang mga follower ni Chokoleit sa Twitter dahil biglang nag-tweet ang Twitter account niya (@chokoleitWiTS).

‘Yey!’ simpleng tweet ng account na may kasamang photo na may kinalaman sa Mobile Legends.

Sa gilid ng photo ay may nakalagay na: photo rin na may nakalagay na name na marchael23. At ‘obtained 1 MVPs Today.’

Meaning, ginamit sa Mobile Legends ang naiwang cellphone ni Chokoleit? Ganu’n ba ‘yon? At may nagsasabi rin na baka na-hack ang Twitter account ni Chokoleit.

Heto nga ang reaksiyon ng mga netizen:

@erikaasa10 “Cguro eto yung nanghack? Grabe naman walang respeto.”
@ponkan0906 “Kaloka kung sino man gumagamit ng acct na to.. Give some respect.” @Cherily53358127 “Mayy gaaad wala Lang mang respito.”
@ORMHEL “Marchael23 yung IGN ng hacker.”

@vfarol “REST IN PEACE…Hayaan na mamayapa ang namayapa!”
@JPCasihan “Hayup ka.”

@stofy_pie “Ayyy pakigalang nman sa namayapa na. ..tsk tsk.”
@taz_1307 “Hindi mo na ginalang ung namayapa! bwisit kang hacker ka!”
@real_heartrub “Kagulat.”

@mommy_mie27 “Ngpaparamdam?!?”

Well, baka naman kamag-anak ni Chokoleit ang gumamit ng phone niya, at baka lang naman nag-o-automatic na kapag may nilaro kang ‘app’ sa phone na ‘yon, lalabas agad sa Twitter mo. Baka lang naman, ha! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy