Una sa Balita

Chiz sa PDEA: Drug supply ang tutukan, ‘wag ang mga bata

By
0 871

Hinimok ni Senador Chiz Escudero ang Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tutukan ng kanilang operasyon ang paghahanap kung saan nagmumula ng suplay ng droga at huwag ang mga musmos.

Sinabi ni Escudero na isa sa mabisang paraan upang matapos ang problema sa droga sa bansa ay tukuyin ang pinanggagalingan ng bulto-bultong droga at ito mismo ang kanilang i-operate.

“Ang malungkot nga dito magda-dalawang taon na ang administrasyon at ang pangunahing kampanya ay laban sa droga pero tila imbes na umaakyat tayo sa drug lord e tila pababa tayo ng pababa hanggang sa bata,” saad ni Escduero.

Abante Hiring – IT dep

“Alam niyo hangga’t hindi natin nasasawata ang suplay, ang pinanggagalingan, eh mauubos at mauubos ang gusto nilang hulihin ay hindi pa rin matatapos ang problema hanggang hindi nila matukoy ang suplay o pinagmulan,” dagdag ng senador.

Isa anya sa maaaring gawin din ng gobyerno ay hikayatin nito ang gobyerno ng China na magtulungan sa ope­rasyon sa pagsugpo sa droga dahil karamihan din sa mga nahuhuling bultong droga sa bansa ay kadalasang galing sa naturang bansa.

“Alam naman na ma­­rami talaga na du’n (C­hina) nanggagaling mas­ki ang inimbestigahan ng Senado ga­ling China. Isang bagay ito na dapat tignan ng pamahalaan. Upang hindi lang economic, diplomatic ang ugnayan sa kanila pati law enforcement,” diin ni Escudero.

Tinutukoy ni Escu­dero ang P6.4 bilyong halaga ng shabu na ga­ling China na lumusot sa Bureau of Customs (BOC) noong nakaraan­g taon, subalit natunton at nakumpis­ka ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Valenzuela.