Una sa Balita

Chiz madalas iyakan ni Heart

0 366

Kinuwento ng StarStruck council member na si Heart Evangelista-Escudero ang naging madugong shooting niya ng international movie sa China.

Literal daw na madugo ang shooting at ilang beses daw siyang naiyak sa hirap ng mga eksena dahil kahit na provided na may double sila, may pagkakataon daw na kailangan niyang gawin ang sarili niyang stunts.

Pero kahit daw sobrang nahirapan si Heart, worth it naman daw ang lahat dahil magaganda raw lumabas ang mga eksena.

Naging inspirasyon daw ni Heart ay ang Hollywood actress na si Jennifer Lawrence dahil sa mga nagawa nitong mga action movies tulad ng “The Hunger Games”, “X-Men” at “Red Sparrow.”

“All the action movies that she has done, I like it kasi parang kahit pumapatay siya parang meron siyang guilt, may redeeming factor so I really like that but it was really more of how I was going to punch, how I was going to kick and everything,” sey pa ni Heart.

Proud naman daw ang mister ni Heart na si Sorsogon governor-elect Chiz Escudero sa kanyang ginagawang movie.

“He was so proud of me kasi parang out of character ‘yong ginawa ko and siya din ‘yung iniiyakan ko ‘pag nahihirapan ako kasi naho-home sick din ako because it’s really just hotel studio, hotel studio, no time to do anything else.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy