Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Chiz kay Heart: Tigil-tigilan mo pagbili ng mga bag

0 246

Ang positive ng mga comment sa pinost ni Heart Evangelista sa Instagram na “OOTD” video niya.

Bigla kasing pumasok ang Mister na si Gov. Chiz Escudero habang nagpu-pose pa siya sa camera at kitang-kita ang collection niya ng mga luxury bag na basically, natatakpan ng kurtina.

Iba ang tinatanong ni Chiz kay Heart, at obvious sa mukha ni Heart na natensiyon. ‘Yung parang bata na nahuli si akto ng nanay o tatay.

Kilala naman na sa dalawa, si Chiz ang mas matipid at tagasaway sa mga luho ni Heart. So ang siste, ang daming na-cutean, which is, ang cute naman talaga ng simpleng pagsita ni Chiz kay Heart nang sabihin niya na, “Bago na naman? Darling, tigil-tigilan mo ‘yan. You can only buy if you sell.”

Halatang nataranta rin si Heart at mega-explain. At sinabi nga niya na allowed lang talaga siyang bumili ng bagong branded o mamahaling bag kung magbebenta siya ng lumang bag niya.

Naka-relate naman daw si Megan Young sa video ni Heart at paninita ni Chiz. Si Megan naman, sa mga gadgets dahil ito gaming talaga.

Sey ni Megan kay Heart, “Omg!!! That conversation at the end is exactly what @mikaeldaez tells me about my keyboards and I make the same exact face that you do. I felt the level of panic hahaha.”

Rhen Escano type na type si Angel Aquino

Mabilis daw na nawala ang pagkailang ni Rhen Escaño at Rita Martinez sa isa’t-isa kahit nga first time lang nagkasama at isang “GL” Girl Love story na ang ginawa nila.

Ayon kay Rhen, sa workshop pa lang daw ay nawala na agad ang anumang pagkailang nila. Actually, ang difference ng “Lulu” ang GL series na mapapanood sa Vivamax simula sa January 23, written and directed by Sigrid Andrea P. Bernardo, kumpara sa ibang mga actors na gumaganap bilang bading o lesbian, mga straight talaga. This time, very open naman si Rita since The Voice pa na miyembro siya ng LGBTQ.

At ‘eto na, mukhang sa totoong buhay, si Angel Aquino ang makakapag-test ng friendship ng dalawa.

Aba, parehong si Angel ang itinuturing nilang girl crush. Si Rhen na nagsabing wala siyang any experience pa sa same sex o nanligaw man lang sa kanyang tibo, pero sa crush na babae, ‘Ang Probinsyano’ pa lang daw ay sinabi na niya kay Angel na crush niya ito at dream din na maka-trabaho.

“Ako rin, ako rin,” ang hirit ni Rita na gandang-ganda rin kay Angel at tulad ni Rhen, crush niya raw talaga.

Grabe rin ‘tong appeal ni Angel e, walang kupas, lalo na sa mga babae at lesbian.

Anyway, light daw ang kuwento at approach ng Lulu as opposed sa mga karaniwang LGBTQ na napapanood natin na madalas, seryoso ang paglalahad ng kuwento.

Leave A Reply

Your email address will not be published.