Una sa Balita

Chito, Neri namigay ng mga pagkain

0 364

Sina Chito Miranda at Neri Naig naman ay sa malapit sa Tagaytay nakatira, meaning malapit lang sila sa Taal volcano. Kaya marami ang nag-alala sa kaligtasan nila.

“Sa lahat po ng nagtatanong, safe po kaming lahat kasama ng mga angels at pets po namin. Maraming salamat sa mga taong tumulong sa amin at sinisiguradong ligtas kami.

“Sa lahat po ng naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano, as per Mayora Leslie Ann Uy Salamat gagawing center ng evacuation ang Alfonso, mas safer po at para mas organized din po ang pagbibigay ng mga tulong.

“We donated na rin po lahat ng food sa cafe at lahat ng mga tinapay sa bakeshop. Isunod namin ang mga damit. At sa lahat po ng gustong tumulong, please magmessage na lang po kayo kay Mayora @leslie.ann.uy o kay Mayor @randysalamat.

“Wala rin po palang tubig at kuryente sa aming bayan. Kailangang paliguan agad ang mga naabuhan lalong-lalo na ang mga bata at kailangan ng mga damit. May mga sanggol pa po, nagbe-breastfeed pa ang iba.

“Sa panahon ngayon, wag sanang isipin kung paano tayo mas kikita o makakabenta sa mga nangangailangan.

“Dasal po tayo para sa kaligtasan ng lahat. Ingat po kayong lahat,” sabi ni Neri. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More