Una sa Balita

Chito, Neri magpapahiram ng van sa mga medical frontliner

0 510

Sa kawalan ng ideya kung paano pa tutulong ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig sa mga naapektuhan ng lockdown, ang kanilang van na ang naisip nilang ipahiram.

Sa Instagram post ni Neri, makikita ang larawan ng L-300 delivery van.

Sinabi nito sa caption, matagal na silang naghanap ng ideya ni Chito sa kung ano pa ang puwede nilang itulong sa mga nagtatrabaho sa Tagaytay Medical Centers, partikular na sa mga medical frontliners.

Gustuhin man nilang bumili pa ng ibang mga supplies sarado ang mga tindahan dahil sa lockdown.

Kaya naisip nilang ipahiram na lang ang van nila sa mga medical frontliners para may magamit ang mga itong service pauwi at pabalik sa ospital.

Sabi pa ni Neri sa mensahe nya, “sana mapagaan namin kahit yung hirap at puyat na pinagdadaanan nila..”

Hindi man sikat na artista si Neri na gaya ng kaibigan nila ni Chito na si Angel Locsin, lagi namang bukas-palad sa mga sitwasyong kailangan ng tulong ang mga kababayan nilang dumadaan sa krisis.

Nangunguna si Neri sa mga tiga-tagaytay na namahagi ng mga relief goods sa nasalanta ng pagsabog ng Taal Volcano. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More