Una sa Balita

Chito, Bubbles nahuli raw na nagmi-making out

0 803

Neri Naig tawang-tawa:

“Bubbles, bat ba lagi kami sayo nag-chichismis?” ang reaksyon ni Angel Locsin sa ipinapakalat na kuwento tungkol kina Chito Miranda at Bubbles Paraiso.

Anyway, na-link nga noon si Angel sa kanyang best friend na si Bubble, ha! ‘Yun nga ang mga time na pinalalabas na ‘tibo’ si Angel. Pero ‘yun nga, super close friends kasi ang dalawa.

Anyway, nagsimula ang chika dahil sa Instagram post ni Neri tungkol sa ipinadalang mensahe sa kanya ng isang netizen. Heto nga ang mensahe:

“Saw your husband last night making out with Bubble. Although in my mind I know there are very-very close fren. Hmmmm and naisip pumunta to check ur husband IG. May post pala xa about Bubble congratulating her. And napaisip tuloy ako lalo. Goodluck po and God bless.”

Kaloka ang ‘making out’, ‘di ba? Ito ba ‘yung tipong naghahalikan, o petting, o necking kaya?

At heto nga ang reaksyon ni Neri mismo na mababasa sa kanyang IG:

“May kailangan ba kayong i-explain sa akin? @chitomirandajr @bubblesparaiso?” panimulang chika niya, na sa simula ay medyo mapapasip, at makakaramdam ka ng tensiyon.

“Hahaha! Tawang tawa talaga ako dito!” kasunod na mensahe niya.

Meaning, hindi seryoso, at walang relasyon na mawawasak.

“Kasalanan ba nila Angel at Bubbles na magaganda at sexy sila? Bawal na magkaroon ng best friend na lalaki? Pagbabawalan ko na ba? Hehe!

“Eversince hindi ko pinag-isipan ng may malisya sila Chito kasama si Bubbles at Angel. Kung alam lang din ng mga tao kung paano nila asarin si Chito! Pero seriously, magkaibigan po talaga sila at never kong pinagbawalan si Chito maki-hang out sa kanila o kahit kaninong tao mapababae man o lalaki, ok lang sa akin.

“Why? Bakit ko kailangan siyang paghigpitan? Ang tao kung gusto nyang magloko, magloloko yan kahit ano pang bantay ang gagawin mo. Saka secured ako sa pagmamahal ng asawa ko. Kung dati ngang bf/gf palang kami, NEVER ko siyang pinagbawalan, mas lalo ngayong mag asawa na kami. Saka secured din ako sa sarili ko.

“Hindi lang talaga ako palalabas kahit pa noong dalaga pa ako. Mas lalo na ngayon at may anak ako.

“I love Angel and Bubbles kase mabait talaga silang tao, hindi lang kay Chito, pati sa amin na rin ni Miggy. Pati na rin si Neil, lagi nila inaalala kami ni Miggy.

“Gumawa pala ako ng vlog about sa pagchi-cheat ng lalaki, hehe! Featuring Chito syempre. Post ko soon after ma-edit. Pero maganda rin etong topic na may mga close friends o best friends na mga babae ang bf o asawa mo. Paano mo malalaman na magkaibigan lang talaga sila.”

O, klaro, ‘di ba? Walang selosan, o awayan.

At hirit pa nga ni Bubbles: “Actually mali sya… it was Paolo Paraiso making out with Chito Miranda last night!”

Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy