Una sa Balita

Chinese warship trespassing ireklamo kay Xi

0 275

HINILING ng isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na ungkatin kay Chinese President Xi Jinping ang pagbaybay ng barkong pandigma ng China sa teritoryo ng Pilipinas matapos ma-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tatlong insidente ng paglalayag sa Sibutu Strait sa Mindanao ngayong buwan.

“We support Defense Secretary Delfin Lorenzana’s statement that he hoped the President would take up this matter with President Xi when they meet later this month. We agree that it has become what he called “an irritant” in the bilateral relations of the two countries,” saad ni Surigao del Norte Rep. Francisco ‘Bingo’ Matugas II.

“While we appreciate China’s friendship, the actuations of its ships undermine Philippine sovereignty and, in a sense, threaten the security of the country, particularly those near the affected provinces.” dagdag ni Matugas.

Naghain na ng diplomatic protest si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin laban sa China dahil sa paglalayag ng kanilang barko malapit sa Siargao sa Mindanao at sa Batanes sa northern Luzon nang walang pahintulot mula sa gobyerno.

Nakatakdang lumipad patungong China si Pangulong Duterte ngayong Agosto 28 para sa ikalimang working visit niya sa nasabing bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy