Una sa Balita

Chinese warplanes, makakalipad na sa WPS

By
0 133

Dahil sa patuloy na konstruksyon ng China sa West Philippine Sea ay maaari na umanong mag-deploy ang China ng kanilang mga warplanes sa nasabing isla.

Ito ang paniniwala ng US Think Tank na sinabing malaking bahagi na sa pinag-aagawang teritoryo ang tapos nang tayuan ng artificial island ng Beijing.

Base sa Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na bahagi ng Washington’s Center for Strategic and International Studies na kabilang ang naval, air, radar at defensive facilities sa mga istruktura na itinayo sa Fiery Cross, Subi at Mischief Reefs maging sa Spratly Islands.

Ayon kay Greg Po­ling, direktor ng Think Tank, malinaw na makikita sa mga satellite images ang posibleng deployment ng warplanes ng China sa lalong madaling panahon.

“So look for deployments in the near future,’ sabi ni Poling.

Una rito ay itinanggi ng China ang bintang ng Estados Unidos na nagsasagawa ito ng militarisasyon sa mga pinagtatalunang isla.

Ayon kay Chinese Premier Li Keqiang ay nakalatag lamang ang kanilang mga defense equipment sa pinag-aagawang ­terit­oryo upang panatilihin ang kanilang malayang paglalayag.

Samantala nananatili­ namang tikom ang ta­gapagsalita ng Pentagon na si Commander Gary Ross na magkomento sa nat­urang AMTI report kasabay ng pagsasabing ang patuloy na konstruksyon ng China sa WPS ay ba­hagi ng lumalaking ebidensya laban sa Beijing na nagdudulot ng tensyon sa nasabing rehiyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More