Una sa Balita

Chinese tower sa Cambodia nag-collapse, 18 todas

0 313

Umakyat na sa 18 ang nasawi habang 24 naman ang sugatan sa pagbagsak ng isang Chinese-owned building sa itinatayong casino resort sa Cambodia Sabado nang gabi.

Nangyari ang trahedya nitong Hunyo 22 sa casino-resort sa bayan ng Sihanoukville sa southwestern ng Cambodia.

Apat katao na ang ikinulong dahil sa pangyayari kabilang ang Chinese na may-ari ng gusali, head ng construction firm at contractor.

Iniimbestigahan na rin ang isang Cambodian landowner sa pangyayari.

Napag-alamang patapos na ang 7-storey building nang mangyari ang pag-collapse dahilan upang ma-trap ang dose-dosenang mga tao sa ikinukunsiderang deadliest aksidente sa Cambodia.

Patuloya ng imbes-tigasyon sa aksidente at sinisilip na dahilan ni Cambodian Prime Minister Hun Sen ay kapabayaan .

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy