Una sa Balita

Chinese survey ship nasa isla ng ‘Pinas

By
0 145

Matapos makumpirmang may namataan na ­Chinese survey ship sa teritoryo ng Pilipinas, mahigpit na iniutos ni Department of National Defense (DND) sa Philippine Navy na sitahin, itaboy o arestuhin ito.

Base sa pahayag ni Lorenzana sa idinaos na ­National Defense College of the Philippines Defense Forum sa Camp Aguinaldo, mayroong namataan na survey ship na pag-aari ng China sa bahagi ng ­Benham Rise na sakop ng teritoryo ng bansa base sa satellite photos at nakuhang incident reports.

Pero inamin ni Lorenzana na hindi pa malinaw sa ngayon ang rason ng paglalayag ng barko ng China sa Benham Rise pero posible umano na naghahanap ang Chinese military ng paglalagyan ng kanilang submarino.

Iginiit ni Lorenzana na unang namataan ang mga nabanggit na survey ship simula pa noong isang taon.

Tatlong buwan umano na namalagi ang survey ship sa Benham Rise na may lawak na 13 million hectare na mayaman sa natural gas na nagsu-survey ng ­seabed para sa kanilang mga submarine.

Dahil dito, inatasan na ng defense chief ang ­Philippine Navy na kung mayroon ulit na mamataan na survey ship ay sitahin ito at itaboy palayo sa ­silangan bahagi ng bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy