Una sa Balita

Chinese sinaksak ng kababayan matapos magsuntukan

By
0 444

SUGATAN ang isang Chinese national matapos itong saksakin ng kapwa Intsik sa loob ng isang exclusive subdivision sa Biñan City, Laguna kamakalawa.

Kinilala ng Biñan City police ang biktimang si Cui Xin, 25-anyos, empleyado ng Smartwin Technology, tubong Fujian, China at kasalukuyang naninirahan sa Moerks Residence, Fairoaks St., Brentville Subdivision, Brgy. Mamplasan, Biñan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:30 nang madaling-araw, nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Lin Chen Jian, 43, isang cook na kababayan at kasama sa bahay ng una nang sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang da­lawa na humantong sa pagsusuntukan.

Nang makakuha ng kutsilyo ang suspek ay tinarakan ang biktima.

Magkasabay din halos na isinugod sa Unihealth Hospital sa Southwoods Brgy. San Francisco, Biñan City ang dalawa na kapwa nasugatan sa pagpapambuno.

Nasa kustodiya nga­yon ng pulisya ang suspek habang ginagamot pa rin sa ospital ang biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy