Una sa Balita

Chinese New Year party ni Mother Lily dinumog ng mga politiko, artista, atleta

0 364

Nagpasiklaban sa “Tala” dance challenge ang UP varsity basketball player na si Ricci Rivero at national team volleyball player John Vic de Guzman sa belated birthday celebration ng manager nilang si Dondon Monteverde at Chinese New Year last Friday.

Ginanap ang double celebration sa Valencia Events Place. Nagsama ang showbiz, sports at political personalities na nakisaya.

Sa politics, namataan namin si San Juan City Mayor Francis Zamora, at ang mag-asawang Senator Bong Revilla, Jr. at Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Kasama ng mag-asawa sa table sina Annabelle Rama, Daisy Romualdez at Malou Choa-Fagar.

Jerome Ponce, Mika Reyes hiwalay na?

Sa larangan ng sports, present ang PBA player na si James Yap at volleyball player na si Mika Reyes. Nag-iisang dumating si Mika. Totoo kayang nagkakalabuan na sila ng boyfriend na si Jerome Ponce?

Sa showbiz, nagpakitang-gilas ang writer stand-up comedian na si Alex Calleja. Aliw na aliw sa kanya si Tita Annabelle, huh!

Present din si direk Erik Matti, Kelvin Miranda at iba pang baguhang artista na hindi namin masyadong kilala.

Siyempre pa, punong-abala si Mother Lily sa okasyong ‘yon na basta para sa ikasasaya ng anak eh, all out siya!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More