Una sa Balita

Chinese New Year noodles

0 198

Limang uri ng prutas na bilog at berde, lalo na ang pinya, ang kailangang nasa hapag-kainan sa pagsalubong sa Chinese New Year mamayang gabi. Ayon sa spiritual at feng shui consultant na si Maricel Gaskell, kailangan ding may tikoy o anumang malagkit at mga matatamis para lalong maging mahigpit at matamis ang pagsasama ng pamilya.

At para sa mas mahabang buhay, kumain ng noodles, lalo na ang may sabaw, tulad ng sotanghon.

Pero ang ibabahagi natin dito ay ang paggawa ng Longevity Noodles o Chinese pansit. Kailangan lang ng:

2 quarts ng tubig
5 oz. ng bean sprouts o togue (dalawang tasa)
1 ½ kutsaritang asin
½ pound fresh Chinese egg noodles
¼ chicken stock o sabaw ng manok
½ kutsaritang toyo
½ kutsaritang Asian sesame oil
1 kutsarang peanut oil
¼ inch thick na hiniwang sariwang luya
¼ pound snow peas na medyo pinisa

3 malaking freshwater chestnuts na binalatan at hiniwa ng tig-1/8 pulgada ang kapal o kung wala ay kasoy na lang ang ipalit
Magpakulo ng tubig sa kaldero. Ilagay ang togue sa isang strainer at ilubog sa kumukulong tubig sa loob ng 10 segundo. Tanggalin ang strainer at patuluan ng malamig na tubig o tubig sa gripo ang togue. Patuluin ang tubig hanggang sa matuyo.

Lagyan ng asin ang kumukulong tubig sa kaldero. Ilagay ang egg noodles at lutuin, haluin ng isang, minuto. Hanguin ang noodles, ilagay sa colander at hugasan ng malamig na tubig. Patuyuin. Patuluan ulit ng malamig na tubig at patuyuin sa colander.

Sa isang maliit na mangkok, paghaluin ang sabaw ng manok, soy sauce at sesame oil para makagawa ng sauce.

Painitin ang malalim na kawali o wok ng 45 segundo. Ilagay ang peanut oil at iangat ang wok para kumalat sa paligid nito ang oil. Igisa ang luya sa loob ng 10 segundo. Idagdag ang snow peas at igisa ng 1 minuto. Idagdag ang water chestnuts o kasoy, igisa ng 30 segundo. Ilagay na ang togue at igisa ng 1 minuto.

Ihalo ang inihandang sauce at pakuluin. Idagdag ang egg noodles at igisa hanggang sa masipsip ang sauce sa loob ng 1 ½ minute. Puwede nang ihain sa hapag kainan!

Bukod sa handang pagkain, sinabi ni Maricel na kailangan ding may isang mangkok ng hindi nilutong bigas na ilalagay sa kapag kainan. Sa ibabaw nito ang dalawang angpao na kung saan ang unang angpao ay may dalawang P50 bills at ang isang angpao ay may dalawang P20 bills. Lagyan din sa ibabaw ng bigas ng 2 piraso ng ponkan.

Sa mismong pagpasok ng bagong taon, iluto ang bigas na nilagyan ng angpao, kainin ang mga prutas, tikoy at mga matatamis. Huwag maghanda ng manok. Mas masuwerteng handa ang isda.

Isulat din ang mga kahilingan o intentions para sa taong 2020 at ilagay ito sa altar. Gong Hei Hat Choy! Gong Xi Fa Cai!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More