Una sa Balita

Chinese national tigok sa nasunog na Legaspi Tower

0 239

NASAWI ang isang 64-anyos na Chinese national matapos na tumalon sa ikawalong palapag ng nasusunog na Legaspi Tower Condominium, kamakalawa sa Malate, Maynila.

Nagtamo ng traumatic brain at abdominal injury ang biktima na si Ser Siong Wang, 64-anyos, ng ­Unit-E, 8th floor ng gusali.

Ayon sa Manila Fire Department, dakong alas-5:51 nang hapon ng Sabado nang magsimulang sumiklab ang sunog sa unit ng biktima at naapula naman alas-9:00 nang gabi.

Mag-isa lamang umano sa unit ang biktima at sa pagtatangkang mailigtas ang sarili ay tumalon na lamang ito mula sa terrace ng kanyang unit at nahulog naman sa ikaapat na palapag.

Tanging unit lamang ng biktima ang napinsala at iniimbestigahan na ang pinagmulan nito. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More