Una sa Balita

Chinese national nandakma ng boobs kalaboso

0 337

HIMAS rehas ang isang Chinese national matapos manggigil at hindi napigilang dakmain ang malusog na dibdib ng isang babaing nakasabay nito sa elevator sa isang hotel sa Pasay City kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni P/Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police ang suspek na si Xin Yinbo, 26-anyos, pansamatalang nanunuluyan sa isang hotel na matatagpuan sa Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

Batay sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Rose, nasa hustong gulang, dakong alas-otso nang gabi nang maganap ang insidente sa loob ng elevator ng naturang hotel.

Ayon sa biktima, la-sing umano ang suspek na dayuhan na nakasabay niya pababa mula sa ikalawang palapag ng hotel.

Gayun na lamang ang pagkabigla ng biktima nang wala kaabog-abog na dinakma ng suspek ang kanyang dibdib.

Tiyempo naman bumukas na ang pinto ng elevator at dito hu-mingi ng tulong ang biktima sa security guard na naaktuhan nakahawak pa umano sa dibdib ng biktima. (A­rmida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy