Una sa Balita

Chinese national kritikal sa road rage

0 338

NAKARATAY sa pagamutan ang 43-anyos na Chinese national na binaril ng nakaaway na motorista sa Ermita, Maynila kahapon.

Kinilala ang bitkimang si Wenyan Shao, 43, negosyante at taga-Binondo.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente ala-1:15 nang madaling-araw.

Ayon sa saksi, sakay umano ang biktima ng itim na Toyota Camry at binabagtas ang P. Burgos, habang ang suspek ay sakay naman ng kanyang motorsiklo na walang plaka at nakita niyang nagtatalo ang dalawa sa kalsada.

Nang sumapit sa traffic light sa Finance Road corner P. Burgos St., Ermita, Maynila, pansamantalang huminto ang suspek at biktima dahil sa red light, dito na nakita na bumunot ng baril ang suspek at saka pinaputukan ang biktima hanggang sa bumangga sa center island malapit sa Bonifacio Shrine.

Tumakas ang suspek patungong Quezon Blvd., Quiapo. Kaagad namang humingi ng tulong ang saksi sa mga awtoridad. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More