Una sa Balita

Chinese national dinukot, ikinulong: 1 kababayan arestado, 3 pinaghahanap

0 217

ARESTADO ang isang Chinese national habang pinaghahanap pa ng Cavite Police ang tatlo pang kasamahan nito dahil sa pagdukot at pagkulong ng kanilang kababayan sa loob ng isang bahay sa Kawit, Cavite.

Hawak ngayon ng pulisya ang suspek na si Teddy Lim, 45, binata, Chinese national habang pinaghahanap pa sina Andy Tan, 31 at July Lee, 36, pawang residente ng Block 6, Lot 4 Phase 2 Bay Point Subdivision, Brgy. San Sebastian, Kawit, Cavite at isa pang ‘di nakilalang Chinese national dahil sa reklamo ni Al Wu Yong, 27, binata ng Zuelllig Building, Makati City
Sa ulat ni PSSG Mark Joseph Arayata ng Kawit Municipal Police Station, dakong alas-8:45 kamakalawa ng gabi nang napansin ni PSSG Gallon ang biktima habang minamaneho ang isang mobile patrol na tumatakbo sa kahabaan ng Advincula Road, Brgy. San Sebastian, Kawit, Cavite na nakaposas ang mga kamay nito dahilan upang dalhin sa presinto para imbestigahan.

Sa salaysay ng biktima sa pamagitan ng electronic translator dahil Mandarin speaking at ‘di marunong magsalita ng English, na­laman na dinukot siya ng kapwa nito Chinese dakong alas-11:00 kamakalawa nang umaga sa Pasay City suba­lit dinala at ikinulong ito sa inuupahang bahay ng mga suspek sa Block 6, Lot 4 Phase 2 Bay Point Subdivision, Brgy. San Sebastian, Kawit, Cavite at ipinosas.

Hinihingan umano ang biktima ng mga suspek ng malaking halaga kapalit ng kanyang paglaya, gayunman, nakatakas ito sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana hanggang sa nakita ito ni Gallon na tumatakbo sa nasabing lugar. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy