Una sa Balita

Chinese medical team ipapadala sa ‘Pinas

0 286

Magpapadala ang gobyerno ng China ng isang medical team sa Pilipinas para tumulong sa pagtugon sa problema sa coronavirus disease 2019.

Sa Laging Handa Press briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Sta. Romana na pinaplantsa na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pakikipag-usap sa Chinese government para sa ipapadalang medical doctors sa bansa.

Layon ng hakbang na maibahagi ng Chinese doctors ang kanilang istratehiya matapos mapababa ang bilang ng mga COVID positive at ang pagpapagaling sa mga tinaman ng sakit.

” Nabanggit na po yan ni Secretary Locsin na merong medical team na pupunta sa Pilipinas para tumulong sa atin. That will be done soon, kasi pinag-uusapan na yan para maipadala soon,” ani Ambassador Sta. Romana.

Bukod sa medical team ay muling magpapadala aniya ang China ng medical supplies sa Pilipinas bilang dagdag sa naunang ibinigay noong nakalipas na linggo

Sa isang post ni Secertary Locsin sa twitter ay kinakampag nito ang Department of Health (DOH) para payagan ang Chinese doctors na tumulong sa gobyerno at magamit ang kanilang expertise sa pagsugpo sa COVID-19.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More