Una sa Balita

Chinese hinoldap ng 3 tricycle driver

By
0 1,924

Walang natirang gamit sa isang Chinese national matapos tangayin ang kanyang backpack at cellphone ng tatlong suspek na nakasakay sa dalawang tricycle, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Nagtungo sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS)ang biktimang si Jie Yang, 29-anyos, negosyante at taga-Xiaozhou Village, Guangzhou, China para ireklamo ang tatlong hindi nakikilalang suspek na tumangay sa kanyang cellphone at backpack.

Sa salaysay ng biktima, alas-siyete ng gabi nang sumakay siya sa tricycle at nagpahatid sa NAIA Terminal 3 pero pagsapit sa may P. Burgos at Maria Orosa St., isa pang tricycle ang nakasunod sa kanila na sinasakyan naman ng dalawang suspek.

Paglapit nito kanilang tricycle ay inagaw ang kanyang cellphone kaya buma­ba siya ng tricycle at hinabol ang dalawang suspek.

Sa pagbaba sa tricycle, naiwan niya sa sinakyan ang kanyang backpack na naglalaman ng pasaporte, IDs, credit card, mga damit, cellphone at P1,000.