Una sa Balita

Chinese firm tumiba ng ₱750M sa crypto scam

0 234

SINUSPINDE ng Caga­yan Economic Zone Authority (CEZA) ang lahat ng offshore virtua­l currency exchange matapos matuklasan na isang accredited investor ang nanloko sa mga Chinese ng 100 yuan o halos P750 milyon.

Sa isang pahayag, sinabi ng CEZA na sinuspinde na nito ang license to operate ng Golden Milenial Quickpay Inc. Ltd. at ng mga lisensiyang konektado rito tulad ng authorized service provider nito na Grapefruit Service Inc. noong Setyembre 12.

Sabi ng CEZA, walang Pilipinong naloko sa naturang cryptocurrency scam gayung hindi pa natatapos ang imbestigasyon dito ng lahat ng mga law and regulatory enforcement agencies pati na ang internal investigation ng CEZA na nagbigay ng lisensiya rito.

Ayon sa CEZA, hindi nito pinapayagan ang mga binibigyan nito ng lisensiya na magkaroon ng business activities o offshore virtual currency exchanges sa ibang mga bansa tulad ng China kung saan ipinagbabawal ito. Ang anumang paglabag sa kondisyon na inilatag ng CEZA ay ground para sa automa­tic cancellation ng kanilang lisensiya at maari silang sampahan ng mga kaso.

Dagdag ng CEZA, nag­labas na ito ng mga direktiba para sa lahat ng mga binigyan nito ng lisensiya noong unang linggo ng Setyembre na magsumite ng report tungkol sa kanilang pagsunod sa ligal, regulatory at ethical compliance practices at stan­dards lalo na ang mga offshore virtual currency exchanges.

Para sa CEZA, ang offshore virtual currency exchanges ay ‘yung mga rehistrado sa labas ng Pilipinas at hindi nakikipagtransaksyon sa Pilipino o sa sinumang nasa bansa. Kasalukuyang nire-review pa ng CEZA ang mga ulat.

Hindi pa tapos ang mga pasilidad ng CEZA sa Sta. Ana., Cagayan kaya nito pinapayagan ang mga binigyan nito ng lisensiya na mag-ope­rate muna panandalian sa Metro Manila.

Tinatayang 270 empleyado ng Grapefruit ang inaresto ng mga awtoridad noong Biyernes, Setyembre 13, sa inuu­pahan nilang opisina sa Pasig City. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy