Una sa Balita

Chinese company tatalupan sa Kaliwa Dam project

0 353

Nais paimbestigahan ng isang opisyal ng Kamara ang umano’y kuwestyonableng pag-award ng gobyerno sa P18.7 bilyong Kaliwa Dam project kahit sa isang Chinese company kahit hindi sapat ang mga isinumite nitong papeles.

Ayon kay House Assistant Majority Floor Leader at Rizal Cong. Fidel Nograles, nakakabahala na ipagkatiwala ng pamahalaan ang bilyong pisong proyekto na layuning bigyan ng sapat na supply ng tubig ang buong Metro Manila sa isang kompanya na bukod sa kulang-kulang ang requirements ay kuwestyonable pa ang reputasyon.

“It is imperative that an investigation on the flagged awarding of KDP to Chinese firms be conducted,” saad ni Nograles.

Inilahad kamakailan ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2018 annual report ang umano’y paggawad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) P18.7 bilyong New Centennial Water Source-Kaliwa Dam project sa China Energy Engineering Corporation (CEEC) kahit pa hindi kumpleto ang isinumite nitong requirements.

Bukod dito, dalawang kompanyang Tsino ang napabilang din sa short-list ng mga pinagpilaan ng gobyerno nitong natapos na bidding kahit walang sapat na kakayahan.
Nais alamin ni Nograles kung may special treatment pa na ibinigay ng Bids and Awards Committee (BAC) ng MWSS at panay Chinese firms ang mga napabilang sa short-list nito.

“We have to make sure that no special treatment is being given to project contractors and all involved parties, and that every precaution is taken to vet those bidding for this crucial project,” saad ni Nograles.

“Only after those involved in this mess have explained how such basic procurement standards can be cast aside and steps are taken to properly bid out this project to a deserving contractor can we call this a done deal,” dagdag pa ng kongresista.

Ang P18.7 billion New Centennial Water Source-Kaliwa Dam project ay popondohan gamit ang loan deal agreement ng administrasyong Duterte sa Export-Import Bank of China na nagkakahalaga ng $234.92 milyon.

Ang nasabing proyekto na unang inilatag noong 1967 ay magbibigay sa Kalakhang Maynila at karatig probinsya ng karagdagang 600 milyong litro kada araw. (JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy