Una sa Balita

Chinese-American national nagpakamatay sa NAIA

By
0 1,006

BASAG ang bungo ng isang Chinese-American national matapos tumalon mula sa ikaapat na palapag ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) Terminal 3 kamakalawa nang gabi.

Nagawa pang isugod sa Makati Medical Center ang dayuhan na nakilalang si Shau Chang Yee, 69-anyos, subalit habang ito ay nilalapatan ng lunas ay binawian ng buhay sanhi ng matinding tama bukod pa sa nag-crack ang ulo nito. Batay sa report ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police, dakong alas-8:10 nang gabi nang maganap ang insidente sa ikaapat na palapag sa loob ng NAIA Terminal 3, Pasay City.

Lumalabas sa imbestigasyon, laking gulat na lamang ng ilang mga pasahero na naroon nang biglang tumalon ang dayuhan sa departure area at bumagsak sa ikatlong palapag na may taas na 25 feet.

Agad naman isinugod ng NAIA Terminal medical team ang biktima sa ospital subalit bandang alas-9:30 nang gabi ay binawian ito ng buhay. Unang tumama ang ulo nito sa semento ng paliparan.

Base sa report ng NAIA Airport Police, dumating ang dayuhan noong Enero 28 galing sa Hong Kong sakay ng Cebu Pacific flight 5J-119 at posibleng nag-stay ito sa nasabing paliparan.

Gayunman, inaalam pa ng airport police kung naka-check in ito sa mga kalapit na hotel ng NAIA.

Patuloy ang imbestigasyon ng Pasay City Police sa ginawang pagpapatiwakal ng dayuhan sa loob ng nasabing paliparan.
Sisiyasatin din ng mga pulis ang mga closed-circuit television (CCTV) camera na nakapaligid sa loob ng Terminal 3 upang makita kung ang biktima ay sadyang tu­malon o itinulak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy